Home Page
 Mahahalagang mga Salita
 Pagssasaayos


Mga Pagsasalin-wika:

'العربية / Al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Deutsch
Ελληνικά
English
Español
Ewe
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Nederlands
Português
Română
Русский
Srpski
ไทย
Tiếng Việt
Türkçe
اردو 中文

                                        

Ibang Mga Pahina:

Panimulang Modulo (Sentro)

Socyolohiya

Nasusulat na lektyur

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


Mga Pinakamahalagang salita na nagsisimula sa mga letra:

  A   B   D   E   G   H   I   K   L   M   N   NG   P   R   S   T   U   W   Y

MGA IMPORTANTENG SALITA SA MODULULO NG ¨PAGTATATAG NG KOMUNIDAD¨

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Maureen Genetiano, May M Virola, Lonela Bloxom

 

DEMOKRASYA

Ang salitang ¨demokrasya," ay galing sa matandang salitang Greko (Greek), kung saan ang ¨demo" ay nangangahulugan ng ang mga tao (gaya ng demograpiya) at "cracy" ay nangangahulugang kapangyarihan (gaya ng burokrasya (bureaucracy) o aristokrasya (aristocracy).

Ang salitang demokrasya, sa gayon, ay nangangahulugang kapangyarihan ng mga tao. Kasalungat dito, ang Gresya ay hindi masyadong demokratiko, sa kadahilanang ang kanilang ekonomiya ay base sa mga trabaho ng mga alipin.

Marami ang uri ng demokrasya: halimbawa, demokrasyang kinakatawan o kumakatawankung saan ang mga tao ay humahalal ng mga katawan o representante sa parliamento o kongreso upang gumawa ng mga pasya para sa kanila, at ang pakikilahok na demokrasya kung saan ang mga tao ay kasangkot sa paggawa ng mga pasya.

Bilang isang tagapagpakilos, ikaw ay hinihikayat ng itaguyod ang demokrasya, halimbawa sa mga proyekto ng komunidad, pero ikaw ay hindi kailangang tumulad sa sistema ng kongreso ng Pilipinas.  Humanap ng akma sa lipunan o komunidad.

 العربيّة: الديمقراطية,    Bahasa Indonesia: demokrasi,    Català democràcia,    Deutsch: demokratie,    Ελληνικά: Δημοκρατία,    English: democracy,    Español: democracia,    Filipino/Tagalog: demokrasya,    Français: démocratie,    Galego: democracia,    हिन्दी (Hindi): लोकतन्त्र,    Italiano: democrazia,    日本語: 民主主義,    한국어 / Hangugeo: 민주주의,    Malay: demokrasi,    Nederlands: democratie,    Português: democracia,    Română: democratie,    Pyccкий: Демократия,    ไทย : ประชาธิปไตย,    Tiên Việt: dân chủ,    Türkçe: demokrasi,    ردو (Urdu): جمہوریت,    中文 (Zhōngwén): 民主


 

PAGTANGKILIK (Dependency Syndrome)

Ang pagtatangkilik ay isang ugali o paniniwala na ang isang grupo ay walang kakayahang lutasin ang kanilang mga suliranin ng hindi naghihingi ng tulong sa iba.

Ito ay isang kahinaan ng pinalalala ng kawangkagawa. Tignan: Ang Pagtangkilik.

العربيّة: التبعي,    Bahasa Indonesia: dependensi,    Deutsch: Abhängigkeit,    Ελληνικά: Εξάρτησης,    English: dependency syndrome,    Español: síndrome de dependencia,    Ewe: nudzodzro,    Filipino/Tagalog: pagtatangkilik,    Français: syndrome de dépendance,    Galego: dependencia,    日本語: 依存,    한국어 / Hangugeo: 의존(증후군),    Malay: kebergantungan,    Nederlands: afhankelijkheid,    Português: dependencia,    Română: dependenta,    Pyccкий: Зависимость,    Somali: ku tiirsanaanta,    Tiên Việt: phụ thuộc,    Türkçe: bağımlılık,    ردو (Urdu): محتاجی کی لت,    中文 (Zhōngwén): 依赖性


 

PAGGAWA

Sa lahat ng pamamaraan ng pag-aaral (pagbabasa, pakikinig, panonood), ang pinaka-epektibo ay ang "paggawa." Tignan Pamamaraan ng Pagsasanay.

Sa pag-aaral hango sa paggawa ay maaaring isama ang tuwirang paggawa ng gawain sa labas sa ilalim ng pagsusubaybay ng tagapagsanay, o ang di-tuwirang paggawa gaya ng pakikilahok sa sesyon ng pagganap ng karakter o larong pagkunwa.

العربيّة: القيام بالأمر,    Bahasa Indonesia: bekerja,    Deutsch: handeln,    Ελληνικά: Πράξη,    English: doing,    Español: practicar,    Ewe: worwor,    Filipino/Tagalog: paggawa,    Français: faire,    Galego: facer,    हिन्दी (Hindi): लोकतन्त्र,    日本語: 実技,    한국어 / Hangugeo: 행동,    Malay: membuat,    Nederlands: doen,    Português: agir, fazendo,    Română: a practica,    Pyccкий: Действие,    ไทย : การลงมือทำ,    Tiên Việt: làm,    Türkçe: yapma,    اردو (Urdu): عمل,    中文 (Zhōngwén): 实践


 

PAGSUBAYBAY

Ang pagsubaybay ay regular na obserbasyon, pagtatala, pagsusuri at pag-uulat ng mga gawain at ng mga resulta ng mga gawain, sa isang proyekto o similar na gawain.  (Tignan Pagsubaybay).

العربيّة: الرصد,    Bahasa Indonesia: pengawasan,    Deutsch: monitoring,    Ελληνικά: επίβλεψη,    English: monitoring,    Español: supervisar,    Ewe: dzikpurkpor,    Filipino/Tagalog: pagsubaybay,    Français: surveillance,    Galego: supervisión,    日本語: 監視,    한국어 / Hangugeo: 모니터링,    Malay: memantau,    Nederlands: monitoren,    Română: monitorizarea,    Português: monitoragem,    Pyccкий: мониторинг,    ไทย : การเฝ้าดู,    Tiên Việt: giám sát,    Türkçe: gözlemleme,    ردو: نگرانی,    中文 (Zhōngwén): 监察


 

PAKIKILAHOK NA PAGTATAYA (Tasasyon)

Bago planuhin ang isang proyekto, ang sitwasyon ay kailangang tayahin o tasahin (assess). PAR o PRA

Para ang isang proyekto ay maging "batay sa komunidad kinakailangang ang buong komunidad ay makilahok sa pagmamasid at pagsusuri, titignan ang mga problema, mga potensyal, mga yaman at mga balakid.

Ang komunidad at ang mga miyembro nito ay hindi agarang nakikilahok sa sarili nitong tasasyon (assessment). Ang kautusan, patas, pariral ng disenyo ng proyekto o pagsasaad ng intensyon ay hindi kasiguraduhan na ang buong komunidad ay makikilahok.

Ang mga miyembro ng komunidad ay nangangailangang palakasin ang loob, gayundin ng mga kasanayan, stimulasyon at gabay upang makilahok sa tasasyon. Ilang sa mga gawain ng isang manggagawa sa komunidad, tagapagpakilos o tagapasilita, ay ang ibigay ang mga ito.

Ang pagbibigay ng ganitong stimulasyon at pagsasanay ay tinatawag din sa akronim na, PRA o PAR.


 

PAGPAPLANO

Ang pagpaplano ay nangangahulugan ng pag-iisip at pagtukoy sa mga gagawin. Ang isang magandang plano ay may mga sunod-sunod na hakbang patungo sa mga nais na makamit (mula sa kasalukuyang sitwasyon). Tignan: Plano ng mga Gawain.

Isang epektibong paraan ay ang ¨pagbabaligtad ng pag-iisip¨ kung saan ikaw ay nagisimula sa kung ano ang nais na makamit, at tignan ang kasunod na hakbang bago dito, pagkatapos ang susunod na hakbang hanggang makarating ka sa kasalukuyang sitwasyon.

 العربيّة: التخطيط,    Bahasa Indonesia: perencanaan,    Català: planificació,    Deutsch: Planung,    Ελληνικά: Σχεδιασμός,    English: planning,    Español: planificación,    Filipino: pagpaplano,    Français: planification,    Galego: planificación,    Italiano: pianificazione,    日本語: 計画,    한국어 / Hangugeo: 계획,    Malay: merancang,    Nederlands: plannen,    Português: planificar,    Română: planificarea,    Pyccкий: Планирование,    Srpski: planiranje,    ไทย : การวางแผน,    Türkçe: planlama,    Tiên Việt: lập kế hoạch,    ردو: منصوبہ بندى,    中文 (Zhōngwén): 规划


 

PAGSUSURI NG SITWASYON

Ang "pagsusuri ng sitwasyon" ay isang paraan kung saan ang kabuuang katangian at mga problemang binibigyang prayoridad ng komunidad ay tinutukoy. Tignan PAR.

Ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay siguraduhing ang lahat, o kung ilan mga miyembro ng komunidad ang possibleng makilahok sa pagmamasid at pagsusuri ng sitwasyon ng komunidad.

العربيّة: تحليل الوض,    Bahasa Indonesia: analisa situasi,    Deutsch: Situationsanalyse,    Ελληνικά: Ανάλυση της Κατάστασης,    English: situation analysis,    Español: análisis de la situación,    Ewe: nornormer dadakpor,    Filipino/Tagalog: pagsusuri ng sitwasyon,    Français: analyse de situation,    Galego: análise da situación,    日本語: 状況分析,    한국어 / Hangugeo: 상황 분석,    Malay: analisis situasi,    Nederlands: situatie-analyse,    Português: análise de situação,    Română: analiza a situatiei,    Pyccкий: Анализ ситуации,    Srpski: analiza okolnosti,    ไทย : การวิเคราะห์สถานะการณ์,    Tiên Việt: phân tích tình huống,    Türkçe: durum analizi,  اردو: صورتحال کا تجزی  中文 (Zhōngwén): 分析情况,


 

NAAANINAG O PAGIGING BUKAS

Ang panganganinag o pagiging bukas ay isang mahalagang elemento ng pagpapalakas ng komunidad (Tignan mga elemento ng pagsasakapangyarihan). Ang salitang "aninag" dito ay nangangahulugan ng abilidad na makita ang lahat.

Kapag mga manggagawang sibil o sa gobyerno ay gumagawa ng mga bagay (gaya ng paggawa ng mga pasya, magtalaga ng mga yaman) ng pasikreto, itinatago ang kanilang mga gawain sa mga tao, hindi sila nanganganinag o naaaninag (bukas). Tinatrato nila ang mga tao ng parang kabute ("tratong kabuti¨).

Ito ay nagdudulot ng pagkawalang tiwala, pagkawalang bahala o kalamigan ng loob, at marhinalisasyon (mga salik ng kahirampan at pagiging mahina ng komunidad). Ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay itaguyod ang pagiging maaninag o bukas. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng paliwanag kung ano ang ibig sabihin nito. Na ang mga tao ay may karapatan at tungkulin na malaman kung ano ang mga nagyayari. Pagtatahas ng Kamalayan).

Dapat ding siguraduhing ito ay isang importanteng elemento ng organisasyong pangkomunidad na iyong itatatag. Ang mga batas tulad ng ¨Freedom of Information Act¨ o iba pang mga batas na tulad nito na sinisigurado na ang mga detalye ng paggastos ng gobyerno ay dapat makukuha ng publiko (bilang parte ng ¨public records¨), na nakatangka para sa pagtataguyod ng pagiging maaninang o bukas ng gobyerno, datapwat ang ibang mga opisyal ay tatangkaing parupukin ang kahulugan ng mga batas na ito.

Kung itinatago ang problema, tinatakpan o itinatatwa na mayroong problema; sigurado lamang na hinahadlangan mo ang mga solusyon.

Kung, sa halip, ay hindi mo ito tatakpan, aaminin, at matapat na susuriin, ikaw ay nasa landas ng paglulutas ng problema o suliranin. Ang pagiging maaninag o bukas ay nakapagpapalakas.

العربيّة (Arabic): الشفافية,    Bahasa Indonesia: transparansi,    Deutsch: die transparenz,    Ελληνικά: Διαφάνεια,    English: transparency,    Español: transparencia,    Ewe: korkoenyernyer,    Filipino/Tagalog: naaaninag o pagiging bukas,    Français: transparence,    Galego: transparencia,    Italiano: transparenza,    日本語: 透明 明確さ,    한국어 / Hangugeo: 투명도,    Malay: transparensi,    Nederlands: transparantie,    Português: transparência,    Română: transparenta,    Pyccкий:Прозрачность,    Somali: waadix,    Srpski: providnost,    ไทย : ความโปร่งใส,    Tiên Việt: tính minh bạch,    Türkçe: şeffaflık,    ردو: شفافیت


──»«──
Kung ikaw ay makakita ng salitang may relasyon sa pagsasakapangyarihan ng komunidad, at ito ay kinakailangang pag-usapan, maaaring, sumulat sa amin.
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
──»«──
Huling binago: 2012.10.02

 Pangunahing Pahina
 Pagssasaayos